Tree of Life in Bahrain
Bakit nila tinawag itong “tree of life”? Kasi ito lang ang nag-iisang puno na buhay sa gitna ng disyertong ito. Pinaniniwalaan ng ibang mga taga-dito na ang punong ito ay nagmimilagro at gumagawa ng himala. Sa ngayon ang limang libong taon na punong ito ng Mesquite (pasensya na di ko alam kung ano pa ibang tawag sa puno na’to, kung may alam kayo paki comment na lang
) ay nagsisilbing atraksiyon ngayon para sa mga turista na bumibisita sa bansang ito. May kalayuan nga lang mula sa kanilang kapital (Manama) pero sulit naman kapag napuntahan mo na. Sabi nga ng iba hindi daw kumpleto ang pagbisita mo sa Bahrain kung hindi mo mapupuntahan ang Tree of Life pero dahil sa dumadami na bisita hindi maiiwasang maabuso ang magandang lugar na’to. Ngayon nilagyan na ito ng bakod pero may matitigas pa din ang ulo na umaakyat sa puno, marami na ding sulat ng mga pangalan ang katawan ng puno, meron pangalang ng mga nagiibigan at pati pangalan ko nakita ko pa hehe..pero di ako gumawa nun ah. Marami na din mga basura ang paligid, sana lang maalagaan nila itong lugar na’to para makita pa ng mga susunod na henerasyon.

