It’s more fun with GPN!
Kelan lang narinig natin ang katagang It’s more fun in the Philippines, bagong slogan ng DoT na naging bukang bibig na ng lahat at kahit sa internet ay parang virus na mabilis kumalat. Kaya naman ang iba ayun napagkatuwaan nang gamitin ang bagong slogan, at isa na ako dun hehe…, sa akin naman “it’s more fun with GPN” bakit? wala lang walang pakealaman ng trip! lol…
It’s more fun with GPN! kasi ibang klase ang samahan ng grupong ‘to, sobrang saya lalo na pag-nagsisimula na ang kulitan,kantiyawan at asaran (buti walang napipikon..meron nga kaya?). Pero ang pinaka maganda sa grupo na’to ay yung marami akong natutunan sa kanila at yung suporta na binibigay ng bawat miyembro…wagas! san ka pa?! Nagsimula akong sumali sa grupo na’to noong January 2011, at unang araw ko sa kanila photo walk agad ayos!
eto yung ilan sa mga kuha ko nung araw na yun, medyo marami kaya pinili ko na lang.
Baguhan na baguhan diba? Kung ano na lang makita kukuhaan haha..
AL Shoala Restaurant ang paboritong tamabayan at kainan ng GPN..walang kasawaan sa lambchops!
At ngayon isang taon na ko sa kanila, ng dahil sa GPN napuntahan ko na halos lahat ng magaganda at di- masyadong magandang lugar dito sa Bahrain, kasi kung ako lang malamang bahay at trabaho lang ang lagi kong nakikita. Kaya para sa’kin it is really more fun maging member ng GPN! – Tara na Shoot na tayo!







